expr:class='"loading" + data:blog.mobileClass'>

What I got myself for Christmas 2014

*Disclaimer: Di po ko nagmamalaki. Nagshe share po ako. :)

Last christmas, naghahanap talaga ako ng mabibigay sa sarili ko.. Then, Sun Cellular texted me a 20% off coupon na puwede gamitin sa Zalora! Edi ako naman tong nagkanda ugaga sa paghahanap ng affordable na maganda.. so itey na!

It came in a LARGE box tapos itey laman!
 Comes with a dust bag, authentication letter from the bagmaster, care card from MK
 It's a MK small "kiki" tote (oh the name! LOL)
 Better sya pag hand carry!
 Puwede tanggalin mga charms :)
 Open nga lang s'ya. Super friendly sa magnanakaw!

Original Price: 6495
SALE Price: 3495
With another 20% off: 2796 
FREE SHIPPING!

unfortunately, nung chineck ko today, wala ng thebagmaster sa zalora. pero you can find them sa facebook: https://www.facebook.com/thebagmasterph

Seasonal ang sale sa zalora eh. pero you can use this on your first purchase anytime of the year!!
Use: ZBAPQAG1 when you checkout!


Lush Holiday Collection 2014


I am super thankful that they invited me!!! Aaminin ko hanggang pangarap ko lang bumili ng lush products kasi nanghihinayang ako medyo may kamahalan kasi sya para sa akin.. Pero curious na curious ako sa products nila at napakabango.. Nakakahiya, fan girl na fan girl ang peg ko sa lahat ng kilalang bloggers na andun! Haha anyway, nung ininvite ako sabi may mga activities daw.. Nasa isip ko na activity mga habulan or yung hawig dun.. Na excite ako nung nakita ko na ang activites na gagawin ay mga pag gawa ng lush products!! Ay ang bonggels no??



Nung pagka dating ko.. Ito bumungad sakin pang hand massage daw!! Ay nung dinemo ang bonggels.. Hndi sya oily at na absorb agad!!



Next naman na ginawa ko yung snowman fun! :) #frozen ang peg lakas maka Do you want to build a snowman? Haha

Ayan pala nanalo! Napaka  cute at  ang effort ha? Bonggels!!

Ayan na pala gawa ko.. Sabi nila its a 4in 1 product daw.. Pwede sa hair at body!! Though nung tinry ko nung kinagabihan tumigas hair ko.. Yun pala parang shampoo sya (kaya pala! Shunga lang) kakalurky di nakikinig! So nung nagbasa na ko press kit tinry ko syang sabon sa katawan.. Ang bonggels! Super bango at di drying sa katawan!

Ayan pa ibang holiday products nila :)


















Hay nako! Ito pinaka favorite kong product na natry sa holiday line nila! If you know me, alam nyo kung gaano ako ka obsessed sa tints!! And i am inlove with this!!


Look oh! Super long lasting at nakaka white sya ng ipin!! The event was at 3pm and i got home and took this photo at around 8 pm! For me its more of a lipstick kasi nagttransfer sya, pero it really stain my lips beautifully and its non drying!  I actually bought one for myself a few days after the event! Ganon ko sya ka gusto! Nagsisi nga ko na di ko pa binili on the spot!


a Rafflecopter giveaway



Aminin!! Ang Lush ay may kamahalan kung student ka pa like me so dahil ang bait at pinauwi naman nila sa amin ang gawa namin that day ishe share ko rin yung blessings!! I'll be giving away 2 lush products all you have to do is click the link below! Good luck, guys!

REVIEW: Bobbie Cosmetics

Short kwento muna ha.. haha first time ko nakita yung bobbie cosmetics sa ministop malapit sa school! kaso hndi ako nagka interest at super pink ang packaging nila. Then one day nakita ko ulit yung brand sa SM Manila tapos nalurkey ako sa prices.. ang mumura ah. so i tried this one tutal paubos na yung lagi ko ginagamit (nichido)

Bobbie Cosmetics lash line brightener 03

Paubos na yung nichido, divaaah? haha
Nichido (Php 138)
Bobbie (Php 90)


(Swatches)
Yung nichido kasi pag ginamit mo kailangan mo muna i-melt yung product sa hands mo para smooth ung application.. sa bobbie keribels on the spot gamitin. pak na pak!

Pro's:
-super affordable
-ang laki (so tatagal to gamitin)
-glides smoothly
-hndi mabilis mabale pero hindi rin sobrang tigas
-yellowish undertone
-can be used as an e/s base
-long lasting

Con's
-medyo mahirap sya tanggalin (tipong para kang may sakit look pag tinanggal mo sya)
-hndi ata lahat ng malls meron ito



I used the bobbie pencil as an e/s base and lash line brightener. bonggels diba?

Will i re purchase?
YES NA YES! 



REVIEW: Pond's Firm & Lift Line

Hello! Mag upload sana ako ng video tungkol dito kaso ang tagal mag upload.. grabe bagal ng smartbro pocket wifi ! Nakaka stress! Anyway, gawa na lang ako blog para mas mabilis ma upload. Nako, first time ko mag blog dito. Pasabi na lang kung ano kulang at pwede ko gawin para ma improve ito. hehe O sya, start na tayo....

Pond's Age Miracle Firm & Lift Face and Neck Lifting Day Cream
50 g for Php 749




Ang bongga ng packaging, no? Medyo madulas yung lalagyan.. so, ingat at baka malaglag! At bet ko dahil may parang takip pa sa mismong product

    





Medyo may amoy sya pero hindi yung tipong nakaka distract. so 2 thumbs up! Thick or heavy yung consistency ng mismong cream.

Pro's:
-SPF
-slight smell
-anti aging 
-okay naman price sa benefits na makukuha mo
-available locally
-may pinkish glow

Con's:
-nagka tigyawat ako
-madulas yung packaging
-medyo matagal ma absorb


Will I repurchase this? 
NO

Will I recommend this?
Yes, lalo na kung hiyang kayo sa Pond's kaya lang naman hndi ako magrerepurchase at tinigyawat ako.. other than that wala naman pamumula or what..


Pond's Age Miracle Firm & Lift Eye Contour Lifter
15 ml for Php 649

After 5 days of using this, i can say na i'm in love! *hart* *hart*

Why?
kasi halos lahat ng na try ko na eye cream either namamaga mata ko or nagkaka stye ako. nakakaloka diba? Dito, waley! pak na pak! 

Wala pa ko nakitang improvement sa lines ko pero dahil wala naman negative na nangyari after the application tuloy tuloy ko na sya ginamit. Nagmukha naman akong medyo gising or hindi haggard. kaya keribels na :)
  
NO SMELL! At yung applicator, bonggels! I suggest na i ref nyo sya bago nyo gamitin para talagang effective :)

Pro's:
-no smell
-no stye after using
-locally available
-applicator

Con's
-may kamahalan sya to think na konti lang yung product na makukuha mo

Will I repurchase this? 
YES!!

Will I recommend this?
YES! YES! YES!

'di ba halata na love ko ito? hehe


BTW, meron din pala sila nung massager para daw sa Y contour (jawline and neck area). Wala pa ako balak gamitin eh, just letting you know. hahaha

May pa giveaway pala akiz!!
  
 All you have to do is: a Rafflecopter giveaway
 PAK! o sya, good luck!! :)